Mula ng ako'y mapasali sa napakalaking organisasyon ng kawanihan sa gobyerno, nakagawian ko nang namnamin ang diwa ng Araw ng Kalayaan. Hindi iilang beses na ako'y naging derektang kasali sa napakahalagang araw na ito sa kasyasayan nating mga Pilipino, mula sa paghabi ng mga plano hanggang sa aktuwal na pagpapatupad ng mga ito. Katulad ng mga nagdaang taon, isang muling pagsasadiwa ang pinagkaabalahan ng kasalukuyang pamahalaan upang minsan pa ay maisapuso at maramdaman nating lahat ang kadakilaan ng mga naunang bayani ng bayan.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit sa halip na buhayin nating muli ang alab ng puso ng ating mga ninuno, ang pagmamahal sa bayan at ang kasarinlan, bakit iba ang ipinangalandakan.
Ang ipinagtataka ko pa rin, bakit kelangang isa-isahin at iparada ang mga nagawa ng kasalukuyang pamahalaan kung ito ay talaga ngang ginawa? Kasi imposible namang hindi natin ito nalaman, nakita o naramdaman man lang?
Ang ipinagtataka kong mas higit, bakit kelangang gumastos ng pagkalaki-laking sampung milyon peso para lang dito? Sa halip na tayo ay malula sa mga ipinagmamalaking hindi birong mga nagawa, tayo ay nalula sa napakalaking perang nawala.
Sa totoo lang, kelangan pa bang gawin ng pamahalaan iyon? O kinakailangan lang talagang gawin ng isang Gloria Macapagal-Arroyo ang mga yun.? Para saan? At para ano?
Sa totoo lang, meron pa bang mababago sa kung pano natin mailalarawan ang mahigit 9 na taon niyang pamamahala sa bayan? Pa-ano?
Sa totoo lang, dapat sana noon pa naisip ni Gloria Arroyo na mas masarap at mas masaya sana kung aalis siyang panay magagandang legado at pamana ang iiwan sa puso ng tao.
Sa totoo lang, mahalaga pa ba talaga sa tao kung anuman ang gusto niyang ipahiwatig ngayong nalalapit na ang inaasahang pagtatapos ng makulimlim niyang bituin?
Ang pagkaka-alam ko, hindi masyadong tumatak sa tao kung anuman ang esensya ng selebrayon ng Araw ng Kalayaan sa ika -112 na anibersaryo nito. Maliban kasi sa iniba nila ang dapat sana'y buod nito, ang buong bayan ay ibang kalayaan ang inaabangan, sa totoo lang. Ito ay ang kalayaan sa kamay ni Arroyo, pinakasusuya-an at pinakayayamutan na Presidente pagkatapos ni Marcos.
Sa wakas, labing siyam na araw na lang at tayo ay makakabanaag na nang mga hibla ng pag-asa para sa pagsasakatuparan nang minimithing pagbabago sa ilalim ng bagong gobyerno. Bagong Pilipinas. Bagong Pilipino. Mas may dangal. Mas matatag. At mas nagmamahal sa bayan.